WoWoWeeee!!!

WoW… sing to the tune of Beer by Itchyworms :P

Nais kong magpalevel ten
Kahit na tulala
Tulog ko ay nabibitin
Kape walang sawa

Nagpapalevel na ako sa mga kalaban na bumabangon sa mga hukay
Sila’y katulad ng itsura ko kapag naglalakad ako ay mukha nang bangkay

Giliw…
Paabot nga ng Visine
Ang mga araw ay bigla na lang naglaho
Dahil lumipas nang ako ay naglalaro
Lahat ng iyo’s nawala nung naadik ako
Kaya ngayon…

Chorus:
Sa Azeroth ako’y pumapatay na ng kalaban
Nagpapalevel na parang alang kinabukasan
Bawa’t attack, Bawa’t sapak
Ano ba talagang mas gusto ko
Ang WoW char ko o ang buhay na ‘to

Nais kong pumatay ng Trogg
Para sa items ko
Maghahanap ako ng Tin
At miminahin ko

Kukuha ako ng gear at ipapaenchant ko sa tao para lalo lumakas ito
Lahat ay aking gagawin upang lahat sila’y isipin na malakas na ako

Chorus:
Sa Lordaeron papatay na ako ng mga Ally
Maglalaro ako hanggang sa mawalan ng malay
Bawa’t patay, Maging tulay
Para tumaas ang level ko
Sa game na tong kinaadikan ko

One Response to “WoWoWeeee!!!”

  1. Mia Says:

    Hahahaha! Ang cute.

Leave a Reply